Napanatili ng Miami Heat ang kanilang solong pag-angkin sa ikaapat na puwesto sa Eastern Conference standings matapos nilang biguin ang Boston Celtics, 111-106.
Humataw sa Heat si Bam Adebayo na umiskor ng 21 points at 12 rebounds, na inalalayan ni Duncan Robinson na may 21 points.
Hindi rin inalintana ng Heat ang hindi paglalaro ng kanilang star player na si Jimmy Butler na nagpahinga muna bunsod ng pananakit ng kanyang kanang bukong-bukong.
Si Jayson Tatum naman ang namuno sa panig ng Boston na nagtapos na may 23 points.
Naglista ng double-double na 13 points at 10 rebounds si Jaylen Brown, at kapwa nagdagdag ng 15 markers sina Gordon Hayward at Kemba Walker.
Susunod na makakaharap ng Celtics ang Brooklyn Nets sa Huwebes, habang ang Heat ay makikipagbakbakan sa Milwaukee Bucks sa Biyernes.