-- Advertisements --

Nanguna sina Adele at Ed Sheeran sa mga nominado ng 2022 BRIT Awards.

Mayroon kasing tig-apat na nominations ang nabanggit na mga singers.

Nakuha ni Adele ang nominasyon na best album , best artist at best song para sa “Easy On Me”.

Bukod pa sa dalawa ay nakakuha rin ang apat na nominasyon ang rapper na si Dave and Little Simz.

Noong nakaraang buwan kasi ay inanunsiyo ng organizers na kanila ng aalisin ang male and female categories at ipinakilala an ang gender-neutral awards para sa mga local at international artists.

Maglalaban-laban naman sa International artists category sina Doja Cat, Olivia Rodrigo, Billie Eilish at Lil Nas X na mayroong tig dalawang nominasyon laban kay Taylor Swift.

Gaganapin ang nasabing award nights sa Pebrero 8 sa London.