-- Advertisements --

Nabigyan ng kapwa karapatan ang singer na si Adele at dating asawa sa pag-alaga ng kanilang anak.

Nagdesisyon kasi ang korte sa isinampang divorce ng singer sa asawang si Simon Konecki na maaaring alagaan ng dalawa ang 8-anyos na anak nilang si Angelo.

Magugunitang naghain ang singer ng divorce noong Setyembre 2019 matapos ang pitong taon na pagsasama.

Kahit aniya na hiwalay na ay tiniyak nila na kapwa nila aalagaan ang kanilang anak.