-- Advertisements --

Hinangaan ng mga fans ni Adele sa ginawa nitong pole dancing.

Kumalat kasi ang video nito sa nag-impromptu pole dance sa G-A-Y event sa Heaven nightclub sa London.

Matapos kasi ang recording nito sa paglabas niya ng “The Graham Norton Show” ay surpresang bumisita ito sa LGBTQ+ club night.

Habang nasa stage ay sinamantala niyang ipakita ang kaniyang galing sa pole dancing habang naka beige na pantsuit.

Umani ng positibong komento ang ginawang ito ng singer.