-- Advertisements --

Kinumpirma ng singer na si Adele na siya ay magtatanghal sa BRIT Awards.

Gaganapin ang taunang British annual pop music award sa Pebrero 8 sa London.

Sa kaniyang social media ay inanunsiyo ng “Someone LIke You” singer ang pagtanghal nito sa nasabing awarding ceremony.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nalungkot ang singer matapos na makansela ang ilang show nito sa Las Vegas ng dapuan ng COVID-19 ang ilang mga staff nito.