-- Advertisements --

Inanunsiyo ng singer na si Adele na magpapahinga ito ng matagal.

Isinagawa ng Grammy-winner ang anunsiyo sa kaniyang konsiyerto sa Munich.

Sinabi nito na kapag natapos na ang kaniyang mga shows sa Las Vegas sa buwan ng Nobyembre ay mamamahinga ng matagal.

Sinabi nito na sa loob ng pitong taon ay bumuo ito ng bagong buhay at nais nitong mabuhay bilang normal na tao.

Hindi naman nito binanggit kung hanggang kailan ito mamamahinga.

Magugunitang noong 2019 ng ianunsiyo ang paghihiwalay nila ng nobyong si Simon Konecki.

May isa silang anak ni Konecki at matapos ang relasyon ay naging usap-usapan ang bagong karelasyon nito na si Rich Paul mula noong 2021.