-- Advertisements --

Labis ang kalungkutan ni Adele matapos ang pagkansela nito ng kaniyang mga show sa Las Vegas.

Sa kaniyang social media sinabi nito na dinapuan ng COVID-19 ang kalahati sa kaniyang mga crew.

Dahil dito ay nagpasya na lamag siya na kanselahan na lamang ang mga natitirang show nito.

Nakatakda kasi nitiong isagawa ang una sa 24 na concert sa Caesars Palace.

Nauna na ng inanunsiyo ng singer noong Nobyembre ang pagkakaroon niya ng dalawang show kada weekend sa Las Vegas mula Enero hanggang Abril.

Humingi na lamang ito ng paumanhin sa mga fans na nakabili na ng tickets at labis na ito nahihiya sa kanila.

Bagamat marami ang sumuporta sa desisyon nito ay maraming fans naman nito ang nagalit dahil sa nakagastos na sila ng mga flights at hotel bookings pero huli na itong nag-anunsyio.

Hindi naman nagbigay ng katiyakan ng singer kung kailan muli matutuloy ang concerts sa Las Vegas.

Magugunitang noong 2017 ay napilitan na ring ikansela ng singer ang kaniyang dalawang concert sa Wembley Stadium matapos na nagkaproblema siya sa kaniyang vocal cords.