Hindi maiwasang mapaluha ng singer na si Adele matapos ang huling pagtatanghal niya sa Las Vegas.
Nitong Sabado kasi ay siyang pang-100 na residential show niya sa nasabing lugar.
Sa loob ng dalawang taon ay nagtatanghal siya sa Las Vegas tuwing weekends sa 4,000 capacity Caesars Palace.
Naging mainit ang pagtanggap sa kaniya ng mga fans kung saan may ilan ay napalapit na sa kaniya.
Naging emosyonal na lamang ito dahil hindi niya pa tiyak kung kailan muli ito makakatugtog sa Las Vegas.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay ibinunyag niyang nais niyang magkaroon ng matagalang pahinga sa musika matapos ang ilang serye ng concerts.
Unang itinakda sana noong Enero 2022 ang show niya sa Las Vegas subalit ito ay kinansela 24-oras bago ang unang show dahil sa dinapuan ng COVID ang ilang mga production staff.
Nagsimula na lamang matapos ang ilang buwan ng 2022.