-- Advertisements --

Plano ng British singer na si Adele na magpahinga sa paggawa ng musika at shows.

Sinabi nito na kaniyang isasagawa lamang ito kapag natapos na ang mga serye ng shows niya sa Las Vegas.

Mula noogn nakaraang buwan ng magsimula ang mga shows niya sa Las Vegas at ito ay nakatakdang magtapos sa Noyembre 23, 2024.

Dagdag pa nito na nais lamang niyang magpahinga bahagya.

Nagwagi si Adele ng Grammy Awards noong 2009 bilang Best New Artist sa album nitong “19”.