-- Advertisements --
TOURISM

Ikinatuwa ng Department of Tourism (DOT) ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayusin ang listahan ng mga holiday at non-working days sa 2023 para bigyang-daan ang mas mahabang weekend na maaaring humantong sa isang matatag na industriya ng turismo.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang departamento ay nagpapatindi ng mga pagsisikap nito na palakasin ang turismo sa pamamagitan ng pagbuo ng hindi gaanong kilalang mga destinasyon upang makaakit ng mas maraming bisita at pagpapabuti ng overall experience para sa mga travelers.

Dahil layunin ng ahensya na mapabuti ang pangkalahatang karanasan ng mga lokal at dayuhang turista, ilulunsad ng DOT ang hotline nito sa susunod na taon at idinagdag na ito ay isang bagong plataporma kung saan maaaring humingi ng tulong ang mga manlalakbay habang bumibisita sa mga destinasyon sa buong bansa.

Dagdag pa ni Frasco na ang DOT ay nakikipag-usap din sa Department of Trade and Industry para tugunan ang mga isyung may kinalaman sa overpricing ng mga bilihin at serbisyo sa ilang destinasyon at nagsisikap na maglagay ng “enable mechanism” para dito.