-- Advertisements --
image 87

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsisimula sa araw ng Lunes, Nobyembre 14 ang mga mall ay mag-o-operate mula alas 11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

Ipinagbabawal ang mall-wide sales tuwing weekday.

Ang adjusted mall hours ay hanggang January 6, 2023.

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na sumang-ayon ang mga may-ari ng mall na ayusin ang kanilang operating hours sa isang pulong kahapon.

Exempted sa regulasyon ang mga delivery ng mga nabubulok na goods at groceries pati na rin ang mga restaurant na nagse-serve ng almusal.

Hiniling din sa mga mall operator na magsumite ng traffic management plan habang nagbebenta para makapag-deploy ang MMDA ng karagdagang tauhan.

Sinabi ni Artes na makikipagpulong sila sa mga opisyal ng Department of Transportation hinggil sa kahilingan ng isang mall operator na palawigin ang operasyon ng EDSA bus carousel at Metro Rail Transit Line 3 hanggang hatinggabi.

Top