-- Advertisements --
Ipapatupad na ang adjusted work schedule sa mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region simula sa Mayo 2.
Ayon kay Metro Manila Council president at San Juan City Mayor Francis Zamora, napagdesisyunan ng konseho na ilipat ang implementasyon ng bagong work schedule mula Abril 15 para bigyan pa ng pagkakataon na makapaghanda ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon at publiko.
Matatandaan na nagpasa ang MMC na binubuo ng 17 LGUs sa NCR na nagmamandato para sa pagbabago ng oras ng trabaho mula sa nakagawiang schedule na 8am-5pm ay gagawin ng 7am-4pm sa layuning mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Ayon sa alkalde, nasa kabuuang 112,000 ang mga manggagawa sa mga lokal na pamahalan sa Metro Manila.