-- Advertisements --
Binago ng Phivolcs ang magnitude record ng tumamang lindol sa Batanes.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum sa panayam ng Bombo Radyo, normal lang na ginagawa ito para iwasto ang inisyal na impormasyon na kanilang nailabas.
Mula sa naunang ulat na 6.4 magnitude, ginawa itong 5.9 magnitude makaraang magsagawa ng berepikasyon.
Maging ang USGS ay madalas ding ginagawa ang pagtutuwid, makalipas ang pag-verify ng data mula sa kanilang monitoring system.
Nabatid na walo ang nasawi sa Batanes quake at 60 naman ang sugatan, habang maraming bahay at istraktura ang gumuho.