-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpapatuloy pa rin ang information dissemination ng Department of Agriculture o DA 12 sa adlay production.

Layon nito na hikayatin ang mga magsasaka lalo ang mga nasa indigenous people communities na magtanim ng adlay.

Ayon kay Aliobar Baculudan ng Research Division ng DA 12 maliban sa mas mababang production cost, mas may resistant din sa peste ang adlay. Dinagdag din nito na mas masustansiya din ito kumpara sa bigas at mais.

Ayon kay Baculudan ang adlay ay isang indigenous crop na pangkaraniwan na sa Region 10. Pero ayon kay Baculudan mayroon na ring nagtatanim nito sa Region 12.

Pinakamarami sa mga ito ay nasa North Cotabato, partikular na sa mga bayan ng Matalam, Antipas, Magpet, President Roxas, Alamada, Aleosan , Libungan,at Midsayap.

Mayroon na ring nagtatanim ng Adlay sa Lake Sebu at Surallah sa South Cotabato at maging sa General Santos City at Sarangani Province.

Sinabi ni Baculudan na maliban sa local market ang Agri-business and Marketing Division ng DA ay nakikipag ugnayan din sa mga hotel at tsino na bumibili ng mga produktong adlay.