-- Advertisements --
Adlay

CENTRAL MINDANAO – Muling namahagi ang provincial government sa pamamagitan ng programa ni Cotabato Governor Nancy Catamco ng mga Adlay seeds para sa mga magsasaka ng New Israel, Makilala, Cotabato.

Sinabi ng kawani ng Office of the Provincial Agriculturist, kabilang ang barangay sa mga napiling benepisaryo nito sa aabot sa 14 ektaryang lupa na mapagtataniman ng nasabing binhi.

Kasabay ng pamamagi ng seeds ay ang pagsulong ng Adlay Technology and Management Training.

Ito ay patungkol sa tamang pamamaraan ng pagsasaka at pati na rin ang aspeto ng pagpapabili ng Adlay.

Sa kasalukuyan mataas na ang demand ng Adlay product.

Kinagigiliwan na ngayon ang Adlay arroz caldo at champorado.

Kaya ang tugon ng probinsya sa pamumuno ni Gov. Nancy Catamco ay pagsulong ng adbokasiya ay ang pagpapatatag ng sektor ng agrikultura sa probinsya.

Bilang kinatawan ng goberndor, ipinaabot ni Board Member Krista Piñol Solis, Chairman ng Committee on Agriculture sa mga magsasaka ang hiling na pagbutihin ang mga tulong na ipinapaabot sa kanila ng pamahalaan.

“Maswerte ang mga mgasasaka dahil sa panahon ngayon, na may pandemya, sigurado ang pagkain, dahil nasa palibot lang at di na kailangang mag alala pa. Magsipag lang upang may aanihin” ayon pa kay BM Solis.