Gumugulong na ang imbestigasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS) hinggil sa kaso ni Police Lt.Col. Jigger Noceda na umano’y nang molestiya ng detainee na si Nova Parojinog sa loob ng PNP Custodial Center sa Kampo Crame.
Ayon kay PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na pinag-iisipan pa ng Pamilya ni Nova kung saan sila magsasampa ng kaso sa PNP IAS o sa Ombudsman.
Pero gayunpaman sinabi ni Cascolan, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Internal Affairs Service (IAS) para matukoy ang katotohanan sa likod ng akusasyon laban kay sa Noceda.
Sa ngayon alegasyon pa lamang ito dahil hindi naman nahuli sa akto ang police official, kaya dapat lamang na maimbestigahan ito.
Nasa restrictive custody ngayon si Noceda sa ilalim ng pangangalaga ng Headquarters Support Service (HSS).
Siniguro naman ni Cascolan na hindi niya kailanman kukunsintihin ang maling gawain ng kaniyang mga tauhan.
“We will not tolerate any wrongdoings of our people. As what I’ve said kahit na kuwan ka, kung wala kang rason, we will have to arrest you, file cases against you, put you in Jail,” wika ni Cascolan.
Si Noceda ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Rape Law and Acts of Lasciviousness, Safe Spaces Act and Unjust Vexation sa Quezon City Prosecutors Office dahil sa sexual assault kay dating Vice Mayor Nova Parojinog.
Sa kabilang dako, may pending torture case din na kinakaharap si Noceda nuong siya pa ang chief of police ng Carmona,Cavite.
Nasibak ito sa pwesto matapos maging viral ang video na tino-torture nito ang isang magnanakaw nuong January 2015.
Pina-aalahan naman ni Cascolan ang mga opisyal ng PNP na palagiang i check ang summary of information ng bawat pulis bago sila ilagay sa isang pwesto.
Ipinauubaya na rin ni Cascolan sa korte kung maglalabas sila ng warrant of arrest laban kay Noceda.