-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Atty. Alfegar Triambulo sa Bombo Radyo na mamaya na ang iskedyul sa pag file ng administrative case laban kay PSupt. Ma Cristina Nobleza.
Paliwanag ni Atty Triambulo na hindi nag file o naghain ng kaniyang counter affidavit si Supt. Nobleza habang isinagawa ang pre-charge investigations.

Aniya, kapag naisampa na nila ang kaso laban sa police colonel posible bukas maisilbi na ang summon para sa kaniya para kaniyang sagutin ang mga kasong isasampa laban sa kaniya.

Una ng sinabi ni Triambulo na naka sentro sa unbecoming of an officer ang kasong administratibo na isasampa laban kay Nobleza dahil sa kaugnayan nito kay Rennour Lou Dungon na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf at esperto sa paggawa ng bomba.

Aminado si Triambulo na malaki ang posibilidad na tuluyan ng masibak sa serbisyo si Nobleza dahil sa bigat ng kaso na kaniyang kinakaharap bunsod sa naging kuneksiyon nito sa bandidong Abu Sayyaf.

Pagtiyak naman ni Triambulo na bago magtapos ang buwan ng Mayo, mahahatula na si Nobleza.

Kapwa nakakulong sa PNP Custodial Center si Nobleza at ang asawa nitong ASG member matapos silang arestuhin sa Bohol dahil sa tangkang pag rescue sa isang Abu Sayyaf member na nakilalang si Saad.