Mahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga police personnel na nahuling iligal na nagputok ng armas.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, bukod sa kahaharaping kaso ng mga pasaway na pulis ay otomatikong sibak sa puwesto ang mga ito.
Kaagad din aniya ililipat ang mga ito sa admin and holding unit habang patuloy ang imbestigasyon sa mga ito.
“PNP personnel who were accosted for indiscriminate firing or illegal discharge of firearms will be administratively and criminally charged. violators will be relieved from duty and be placed in admin/holding unit while undergoing investigation. the chief of police or head of office/unit is tasked to implement,” mensahe na ipinadala ni Carlos.
Una rito, tatlong pulis ang nasangkot sa iligal na pagpapautok ng kanilang baril noong Pasko habang ang isa ay at large pa rin.
Una nang sinabi ng pamunuan ng PNP na “no mercy” para sa mga pulis na lalabag sa direktiba ng kanilang liderato.