-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY- Tila nawala umano sa passing ang administrasyong Duterte.

Ito ang nakita ni dating IBP Misamis Oriental-Cagayan de Oro chapter president Atty. Eddie Cuaresma sa performance ni Pres Rodrigo Duterte sa pagpapatakbo ng bansa lalo na sa paglaban sa COVID-19.

Sinabi ni Cuaresma na maraming kawani sa gobyerno ang pinaburan ni Pres Duterte kahit malinaw na may nagawa itong pagkakamali kagaya na lamang nina NCRPO chief General Debold Sinas, Health Secretary Francisco Duque III at maging ang pag-agaw ng China sa West Philppine Sea habang basta na lamang ikinulong ang pobreng Jeepney driver.

Sa kabila nito, pinuri naman niya ang pangulo sa pakipag-laban nito sa kriminalidad at illegal na droga sa bansa.