CAUAYAN CITY- Naaresto sa drug buybust operation ang isang Administrative Aide ng LGU Santiago City.
Ang suspek si Jamil Faustino, 24 anyos, Administrative aide ng LGU at residente ng Purok Dos, Barangay Nagassican, Santiago City.
Ang magkasanib na puwersa ng Drug Enforcement Unit, Presinto Uno, City Drug Enforcement Unit at PDEA Region 2 ay nagsagawa ng operasyon na ikinadakip ng suspek .
Nasamsam kay Faustino ang isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at buybust money.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, itinatanggi ng suspek ang drogang nakuha sa kanyang pag-iingat at hindi umano siya nagtutulak ng droga ngunit kanyang inamin na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.
Si Faustino ay tokhang respondent at nagtapos ng Community Base Rehabilitation and Wellness Program ng pamahalaan.