CENTRAL MINDANAO – Patay na nang matagpuan ang isang kawani ng Department of Education (DepEd) dahil sa umano’y pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si John Rex Eremedio Daruca, 30, administrative assistant ng DepEd Cotabato Division at residente ng Brgy Malinan, Kidapawan City.
Ayon kay Cotabato police provincial director Colonel Maximo Layugan, natagpuan ang bangkay ng biktima na tadtad ng bala sa gilid ng kalsada sa Purok 2, Brgy Pontevedra, Antipas, North Cotabato.
Nawawala rin ang motorsiklo na sinakyan ni Daruca na posibeing ninakaw ng mga namaril sa kanya.
Sa pahayag ng pamilya ng biktima, umalis umano ito kasama ang kanyang kaibigan at may pinuntahan sa bayan ng Antipas.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Antipas PNP sa naturang pangyayari.