All accounted na ang 13 police Pampanga na inakusahang sangkot sa pagre-recycle ng iligal na droga noong taong 2013.
Nirerebyu na rin sa ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kasong administratibo laban sa mga nasabing pulis.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nakahanda na rin ang mga ito para sa isasagawang imbestigasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ).
Dagdag pa ni Banac, nasa 12 lamang sa mga ito ang nasa kustodiya ng PNP Personnel Holding and accounting unit sa Kampo Crame.
Dahil si Major Rodney Raymundo Baloyo ay nakakulong sa Bureau of Corrections (BuCor).
Si Balayo kasi ay na-cite for contempt ng mga senador kaya pinakulong ito sa New Bilibid Prison (NBP).
Una nang ipinag-utos ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na manguna sa pag-iimbestiga sa mga ninja cops katuwang ang PNP Internal Affairs Service (IAS).