-- Advertisements --
Nangunguna para susunod na maging Prime Minister ng Japan si Taro Kono.
Si Kono ay kasalukuyang administrative reform minister na siyang nangangasiwa sa COVID-19 vaccination ng bansa.
Sa isinagawang nationwide telephone survey sa mga residente, nakakuha ng 31.9 percent na suporta ito sa mga respondent.
Makakaharap naman nito sa botohan ng Liberal Democratic Party sa darating na Setyembre 29 sina Defense Minister Shigeru Ishiba at dating Foreign Minister Fumio Kishida.
Magugunitang inanunsiyo ni Prime Minister Yoshihide Suga ang pagbaba sa puwesto matapos na nakakuha ng mababang approval ratings.