-- Advertisements --

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development na patuloy ang kanilang ibibigay at pagpapalawak ng mga serbisyong ibinibigay sa adolescent mothers.

Ginawa ng ahensya ang pahayag kasabay ng patuloy na isyu ng teenage pregnancy sa Pilipinas.

Ayon sa DSWD, ang hakbang na ito ay mahalaga upang masiguro ang kanilang psycho-social well-being.

Ito ay habang pinapangatawanan ang kanilang mga mahalagang tungkulin bilang isang magulang sa kabila ng pagkakaroon ng murang edad.

Pasok dito ang programa ng DSWD na ProtecTEEN”.

Nilalayon ng programa na hikayatin ang mga kabataan na lumahok sa mga programa at inisyatiba ng pamahalaan ng sa gayon ay maiwasan ang teenage pregnancy.

Sa paraang ito ay mababawasan rin ang mga panganib na dulot ng pagiging ina sa murang edad.