-- Advertisements --

Ipinupursige ng Department of Education (DepEd) ang localized Adopt-a-School Program upang mas tumugon sa mga regional concerns.

Ito ay bilang bahagi ng kanilang plano sa pagpapabuti ng edukasyon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasama sa plano ang konstruksyon ng 15,000 silid-aralan sa 2024, na tatagal hanggang 2027.

Habang ang digitalization ng edukasyon sa pamamagitan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – Connect, na mag-uumpisa sa Mayo 2025.

Kasama sa pulong ng DepEd at mga kasosyo sa pribadong sektor ang naturang grupo ng mga negosyante at iba pang mga organisasyon.

Pinag-usapan din ang solusyon sa malnutrisyon bilang bahagi ng mga hamon sa edukasyon.