-- Advertisements --
tmz broner

Inaresto si dating welterweight champion Adrian Broner habang ginaganap ang official weigh-in ng mga heavyweight champions na sina Deontay Wilder at Tyson Fury sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas kanina.

Kung maalala si Broner ay dati nang natalo ni Sen. Manny Pacquiao noong Enero 2019.

Ayon sa impormasyon hinuli si Broner ng Las Vegas police dahil sa pagtangging umalis sa arena.

Sinasabing naka-ban kasi si Broner sa MGM Grand bunsod nang panggugulo noong Nobyembre ng nakalipas na taon sa laban ni Canelo Alvarez.

Matapos na dalhin sa presinto ng pulisya si Broner at naproseso, pinalaya rin ito dahil sa kasong misdemeanor trespassing.

Samantala handa na sa giyera sa ring bukas sina Wilder at Fury.

Sa ginanap na pagtimbang kanina, mas mabigat si Fury sa 273 pounds habang si Wilder ay nasa 231 pounds.

Halos mapuno ng mga fans ang MGM Grand kahit bukas pa ang laban dahil sa pag-aabang sa dalawang mahigpit na magkaribal.