-- Advertisements --
WHO SPOKESPERSON MARGARET HARRIS
WHO SPOKESPERSON MARGARET HARRIS

Patungo na sa China ang advance team ng World Health Organization (WHO) na magsasagawa ng imbestigasyon sa pinagmulan ng novel coronavirus.

Ayon kay WHO spokeswoman Margaret Harris, na binubuo ito ng isang specialist in animal science at epidemiology na makikipagtulungan sa Chinese scientist para malaman ang pinagmulan ng nasabing virus.

Kanila na ring agad na ipapalabas ang anumang resulta na kanilang pag-aaral.

Hindi rin aniya sila makikialam sa gagawing pag-aaral ng independent panel sa pandaigdigang paghawak ng WHO sa coronavirus pandemic.