-- Advertisements --

Tiniyak ni Manila Achbishop Jose Cardinal Advincula na kaniyang tutulungan ang mga mahihirap at mga kabataan.

Aminado ito na nakakalimutan din ng simbahan ang mga mahihirap at mga kabataan.

Dagdag pa nito na lahat ay kaniyang papakingan lalo na ang mga nagrerepresenta ng kabataan at mga mahihirap.

Sa kaniyang talumpati bilang bagong Manila Archbishop ay pinasalamatan nito si Bishop Broderick Pabillo na siyang naging sandigan ng mga mahihirap habang wala pang napipili ang Santo Papa na ipapalit na mamumuno sa Manila Archdiocese.

Kasabay din nito ay ipinagdasal din nito ang dating pangulong Benigno Aquino na pumanaw nitong Huwebes.

Magugunitang naging simple lamang ang isinagawang seremonya sa pagkakaupo ni Advincula sa Manila Archdiocese matapos ang ilang dekadang pamumuno sa arcdiocese ng Capiz.