-- Advertisements --

Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang mga mananampalatayang Katolika na maging ‘pilgrims of hope’.

Sa kaniyang mensahe kasabay ng pagdirwang ng misa sa Manila Cathedral, na sa mga dinaranas ng tao ngayon sa gaya ng kahirapan, paghihiwalay ng pamilya at pang-aabuso sa mga makapangyarihang indibidwal ay katulad din ito na dinanas ni Hesus Kristo noong ito ay isilang o ang unang Pasko.

Mahalaga na pangunahan na ng tao ang pagtulong at pagbibigay ng pag-asa sa mga taong may matinding dinaranas.

Ipinaalalahanan din nito na sa pagdating ng Jubilee year of 2025 ay dapat may magandang dulot ito sa bawat isa.