-- Advertisements --
Iran Supreme leader
Iran Supreme leader/ IG Post

Pumanaw na ang isang adviser ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei makaraang magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa ulat, nakilala ang biktima na si Mohammad Mirmohammadi, 71, at miyembro ng Expediency Council na nagpapayo kay Khamenei.

Nitong nakaraang linggo nang binawian din ng buhay ang isa sa mga top clerics ng bansa na si Hadi Khosroshahi dahil sa sakit.

Ayon din sa state media, nagkasakit na rin sina Vice President Masoumeh Ebtekar at Deputy Health Minister Iraj Harirchi, na nangunguna sa task force ng gobyerno sa coronavirus.

Sinabi ni deputy health minister Alireza Raisi, nasa 66 katao na ang patay at 1,501 na ang kumpirmadong kaso sa kailang bansa.

Nanggaling sa mga bansang Afghanistan, Canada, Lebanon, Pakistan, Kuwait, Bahrain, Iraq, Oman, Qatar at United Arab Emirates ang mga biktimang nagpositibo sa virus. (CNN)