Hinatulan ngayong guilty sa kasong obstruction of justice ang Aegis Juris fratman na si John Paul Solano kaugnay sa hazing na ikinamatay ng University of Santo Tomas (UST) freshman law student na si Horacio “Atio†Castillo III.
Sa desisyon ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 14 na inilabas ngayong Lunes, ipinag-utos ni Judge Carolina Esguerra na makulong si Solano ng minimun na dalawang taon at apat na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwan.
Inabsuwelto naman ni Esguerra si Solano sa perjury charges.
Base sa mga testimonya at sworn affidavits, si Solano na Aegis Juris alumnus ay tinawag noon para i-revive si Atio.
Kasama rin si Solano sa convoy na nagdala kay Atio sa Chinese General Hospital kung saan namatay ang biktima.
Setyembre noong 2017 nang namatay si Castillo matapos ang initiation rites ng Aegis Juris.
Sa ngayon, patuloy ang pagdinig ng korte sa kasong paglabag sa anti-hazing law laban sa 10 iba pang miyembro ng naturang fratternity.