Nanawagan ang bandang Aegis na irespeto ang mga kaanak ng namayapang miyembro nila na si Mercy Sunot.
Sa social media account ng grupo humiling sila ng huwag paniwalaan ang mga kumalat na balita na kaya namatay ang singer ay dahil umano sa iba’t-ibang mga bisyo.
Ayon pa sa banda na hindi pumasok sa anumang bisyo ang singer at maging walang katotohanan na may inilabas na panayam ang isa nilang kapatid na si Juliet.
Ang banda kasi ay binubuo ng mga kapatidni Mercy na sina Juliet at Ken kasama sina Stella Pabico, Rey Abenoja, Rowena Adriano at Vilma Goloviogo.
Magugunitang nitong Nobyembre 18 ng pumanaw si Sunot sa edad 48 matapos ang pakikipaglaban sa breast at lung cancer.
Bumuhos naman ang pakikiramay at tributes mula sa pagpanaw ng sikat na singer.
Ilan sa mga pinasikat ng grupo ay ang mga kantang “Halik”, “Basang-basa sa Ulan”, “Luha” at maraming iba pa.