Pinaplano ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magsagawa ng aerial search sa area ng Mayon Volcano.
Ito ay matapos na mamataan ang pinaghihinalaang fuselage ng nawawalang Cessna plane malapit sa crater ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines spokesperson Eric Apolonio, sa oras na gumanda na muli ang panahon ay nais sana nilang magsagawa ng aerial search sa lugar upang tuluyang ma-identify ang aircraft na nakita sa larawang lumabas.
Batay naman kasi aniya sa mga larawang nagpapakita ng debris ng eroplano na namataan malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon ay buo pa tail end nito kaya posible pa aniyang makita o nababasa pa ang tail number nasabing sasakyang panghimpapawid.
Paliwanag pa ni Apolonio, kinakailangan daw kasi na maging sigurado mula sila na ang nakitang debris sa nasabing lugar ay ang nawawalang Cessna plane bilang pagsasaalang-alang na rin sa mga rescuers na kinakailangan pang maglakbay ng hanggang 6,000 feet above the ground para sa pagsasagawa ng search and rescue operation doon.
Sinabi rin niya na hindi rin nila isinasantabi ang mga intances ng mistaken crash sites bagama’t na-detect ng isang transponder ang nawawalang Cessna sa loob ng supposed crash site nito bago ito tuluyang mawalan ng komunikasyon ngunit nilinaw na hindi pa ito conclusive.
Bukod dito ay iginiit din ni Apolonio na kinakailangan ding maimbestigahan ng mga kinauukulan kung paano napunta ang Cessna plane sa area ng Bulkang Mayon na isang “no-fly zone” at kung bakit hindi ito agad na nakapagpadala ng emergency signal sa emergency locator nito bago mangyari ang umano’y pagbagsak ng nasabing eroplano.