-- Advertisements --

Inanunsiyo ng legendary rock band na Aerosmith na ang pagreretiro nila sa mga pagsasagawa ng mga concerts.

Sa social media account ng banda ay ipinarating nila ang nasabing malungkot na balita.

Isa sa dahilan nito ay ang pagkakaroon ng problema sa boses ng kanilang lead vocalist na si Steven Tyler.

Dahil dito ay nagpasya na silang kanselahan ang mga concert tours.
Pinayuhan nila ang mga nakabili ng tickets na maari nilang irefund.

Una rito ay noong nakaraang taon ay napilitan na rin silang kanselahin ang concerts dahil sa problema sa boses ni Tyler.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng grupo ay ang “Amazing”, “Living on The Edge”, “Crazy” at maraming iba pa.