-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Walang masidlan ng tuwa ang mga Aeta sa isla ng Boracay kasunod sa pagbisita ng mga Obispo sa kanilang komunidad.

Ito ay sa kabila ng kinakaharap nilang problema dahil namemeligro ang mga ito na mawalan ng matirhan matapos ang ilang ulit na pagpapakansela ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) na napasaalima sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Romalyn Supetran, lider ng Aeta community na gumaan ang pinapasan nilang problema matapos na bisitahin ng mga alagad ng Diyos na bahagi ng kanilang eskursyon sa Boracay kahit na makailang ulit na nilang ipinaparating sa pamahalaan ang kanilang hinanaing kaugnay sa petisyon ng land developer na hindi suitable for agriculture ang lupang ipinagkaloob sa kanila.

Ngunit iginiit nito na marami silang panananim sa lugar at sa katunayan ay inilalako nila ang mga ito sa mga establisyimento sa isla.

Sa kabilang dako, inihayag ni Sister Inah Ellana na matapos na makipag-usap sa kanila ang mga Obispo, kinaumagahan ay nagpalabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippine (CBCP) ng statement of support it para sa laban ng mga Aeta.

Inapela ng CBCP na i-honor at respetuhin ang CLOA nga ipinagkaloob sa mga Aeta sa isla ng Boracay.

Maalalang kamakailan lamang ay ginanap sa lalawigan ng Aklan ang retreat at ika-126th plenary assembly ng CBCP na dinaluhan mismo ng Apostolic Nuncio to the Philippines, cardinals at halos lahat ng aktibong Obispo sa buong Pilipinas.