-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay ang 15 taong gulang na dalagita matapos nagpatiwakal sa puno ng kahoy sa Estancia Iloilo.
Ang biktima ay isang miyembro ng indigenous people.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay kay Police Corporal Rolin Alag, imbestigador ng Estancia Municipal Police Station, sinabi nito na na-depress umano ang biktima dahil palagi itong binubully sa kanyang kulay.
Ayon sa imbestigador, ilang beses na rin umano nagtangkang mag-suicide ang bata.
Naniniwala ang pamilya na walang foul play na nangyari sa biktima.