-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine men’s football team na sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac na gaganapin ang AFC Asian Cup 2027 Qualifiers sa Marso 25.
Ito ay sa kadahilanan na ang Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila ay sumasailalim ng renovation.
Taong 2022 ng maghost na rin ang New Clark City ng Philippine Football League habang ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang PMFT.
Una ng nakapag-qualify ang Pilipinas sa semifinals ng ASEAN Mitsubishi Electric Cup.
Makakaharap ng Pilipinas ang Tajikistan at Timor-Leste para sa nasabing qualifiers kung saan ito ay nasa final round na at ang top teams sa bawat anim na grupo ay pasok na sa Asian Cup.