-- Advertisements --
NAGA CITY – Habang abala ang mga opisyal sa paghahanda sa Modified General Community, muli namang nadagdagan ang bilang ng mga bayan na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan William Masapol ng Barangay Pamukid, San Fernado, kinumpirma nito na ilang mga baboy ang unang namatay at nagpositibo sa nasabing sakit.
Ayon kay Masapol, pagmamay-ari ng isang Koreano ang nasabing compound kung saan matatagpuan ang nasabing piggery.
Kung maaalala, una nang nakapagtala ng ASF sa siyam na bayan sa CamSur kasama ang lungsod ng Naga.
Habang una na ring naipasailalim sa culling operation ang mahigit sa 4,000 na mga baboy mula sa nasabing mga bayan.