-- Advertisements --

COTABATO CITY – “Hindi kami guilty at walang kaming alam sa mga akosasyon sa amin”. Ito ang iginiit ni Mother Barangay Kalanganan 1, Cotabato City Kapitan Datu Bimbo Ayunan Pasawiran sa naging pulong balitaan nitong hapon ng Biyernes, matapos na pumirma ng Affidavit of Desistance ang nasasakdal.

Ayon kay Kapitan Bimbo Ayunan Pasawiran, na masaya siya matapos na release sa hospital arrest dahil naka bayad ito ng Bailbond sa Halagang P250,000 at nakapiling niyang ng muli ang kanyang pamilya at nasasakupan matapos na ito’y boluntaryong sumuko sa mga otoridad kasama ang kanyang kapatid na si Kalangan 2, Cotabato City Kapitan Datu Edres Ayunan Pasawiran noong madaling araw ng August 11 dahil sa kasong murder na isinampa laban sa kanila.

“Alhamdulillah, sobrang saya namin sa pagka-release ko sa hospital arrest, masayang-masaya po at kasama ko na ang aking pamilya at ang aking constituents, the whole Kalanganan. Ang nagtulak sa aming pagsuko ay upang malinis namin ang aming mga pangalan, at maipakita namin sa Cotabatenio na hindi po kami guilty at wala po kaming alam at kinalaman sa mga akosasyon sa amin.” – Ani Mother Barangay Kalanganan 1, Cotabato City Kapitan Datu Bimbo Ayunan Pasawiran.

Samantala, nanawagan si Kapitan Bimbo Pasawiran, na huwag ipagkalat ang kopya ng kanilang warrant of arrest sa social media kabilang na ang hard copy nito dahil patuloy na umu-usad ang nasabing kaso na naniniwala sila na mapawalang saysay na ang nasabing murder case dahil pumirma na ng Affidavit of Desistance ang complainant.

Bago matapos ang pulong balitaan, nagpasalamat si Kapitan Datu Bimbo sa Bangsamoro Government dahil ang ahensya ang nanguna sa negosasyon at nag-explain sa nasasakdal sa kanilang akosasyon sa magkapatid na Ayunan Pasawiran.