Mangangailangan na ng affidavit of loss at isang identification card (ID) ang mga rehistradong user na nawala ang kanilang mga SIM card kapag humihiling ng muling pag-activate sa kanilang mga telecommunication provider.
Ayon kay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary and spokesperson Anna Mae Lamentillo kailangan lamang pumunta sa pinakamalapit na telco at ideklara ang nanakaw na SIM card.
Aniya, ang problema ng karamihan sa mga Pilipino ay nagpapalit o nagpapasa sila ng SIM card sa mga taong kilala nila na ipinagbabawal na ngayon ng bagong batas.
Pagkatapos gumawa ng kahilingan, kakailanganin ng bagong may-ari ng SIM card na kumpletuhin ang pagpaparehistro at magsumite ng mga kinakailangan sa telecommunication provider nito.
Nagbabala si Lamentillo na ang paggamit ng mga nakaw na SIM card ay itinuturing na isang krimen at may parusang pagkakakulong at multa.
Sa kasalukuyan, nasa 21.7 million users na ang nagparehistro na nangangahulugan ng 12.5% ng 168.9 milyong SIM sa buong bansa.