KABUL – Ipinatawag ng Afghan government ang isang Pakistan diplomat upang ipaliwanag ang pinakahuling mga pahayag ni Prime Minister Imran Khan ukol sa nagpapatuloy na peace talks.
Ang nasabing hakbang ng Afghanistan ay kasunod na rin ng pagsiklab muli ng tensyon sa pagitan ng dalawang mga bansa.
Ayon kay Afhgan ministry of foreign affairs Sibghatullah Ahmadi, pinaharap nila ang diplomat upang ihayag ang kanilang pagtutol sa mga pahayag na lantaran umanong panghihimasok sa kanila.
Ito na ang ikaapat na pagkakataon sa loob ng mahigit isang buwan na pinagpapaliwanag ng Kabul ang Islamabad para sa mga komentong may kaugnayan sa usapang pangkapayapaan na naglalayong tapusin na ang 17 taong giyera sa Afghanistan.
Una rito, sinabi ni Khan na ang kanyang mga orihinal na komento ay isang “brotherly advice.”
“Afghanistan considers recent statements of Imran Khan explicit interference in internal affairs of Afghanistan and deems PM’s remarks a return to his previous stance,” saad ni Ahmadi. (Reuters)