-- Advertisements --

Pinugutan ng mga Taliban militants ang isang lalaki sa Afghanistan na umano’y nagtatrabaho bilang interpreter ng US Army.

Nagmamaneho ng kaniyang sasakyan si Sohail Pardis mula sa kaniyang bahay sa Kabul at patungo sa Khost province para sunduin ang babaeng kapatid ng ito ay harangin sa checkpoint ng mga Taliban militants.

Bago aniya mangyari ang insidente ay naikuwento ng 32-anyos na si Pardis na nakakatanggap ito ng pagbabanta sa kaniyang buhay mula sa mga Taliban militants.

Nalaman kasi ng mga Taliban na nagtatrabaho siya bilang translator sa US Army sa loob ng 16 na buwan.

Pinagbintangan pa siya ng mga ito na isang ispiya ng Americans.

Isa lamang si Pardis sa ilang libong mga Afghan interpreters na nagtatrabaho sa US military na siyang tinutugis ngayon ng mga Taliban.

Ang pangyayari aniya ay taliwas sa naging pahayag ng tagapagsalita ng Taliban na hindi nila sasaktan ang mga translator basta gawin lamang nila ng tama ang kanilang trabaho.