-- Advertisements --

Ibinunyag ng United Nation mission sa Afghanistan na aksidenteng nagpakawala ng mortars ang Afghan military na tumama sa palengke ng southern Helmand province.

Ang nasabing mortar ay para sana sa mga Taliban subalit pumalpak ang pagpapakawala ng military ng kanilang mortar.

Nanawagan ang United Nations Assistance Mission in Afghanistan, or UNAMA na dapat iwasan ng dalawang panig na magsagawa ng labanan sa mga mataong lugar para walang madamay na mga sibilyan.

Magugunitang nasa 23 katao ang patay matapos ang car bombing at mortar shell attack sa isang palengke ng Sangin district sa Helmand province kung saan kapwa nagsisihan ang militar at Taliban sa insidente.