-- Advertisements --
Humihingi ng tulong ang paralympic atlhete ng Afghanistan na si Zakia Khudadadi na makalabas ng Kabul.
Ito ay para matupad niya ang pangarap na makapaglaro sa Tokyo Paralympic Games.
Bukod pa rito, siya ang magiging kauna-unahang babae sa Afghanistan sa sasabak sa Paralympic Games.
Inanunsiyo kasi ng Afghanistan Paralympic Committee (APC) na hindi na makakasama si Khudadadi at ang track athlete na si Hossain Rasouli sa Paralympic Games sa Tokyo dahil sa pagsakop na ng Taliban.
Magsisimula ang Tokyo Paralympic Games sa darating Agosto 24.