-- Advertisements --
Bibisita sa White House si Afghan President Ashraf Ghani .
Makakasama nito ang lead negotiator sa pag-uusap sa mga Taliban na si Dr. Abdullah Abdullah na magtutungo sa White House sa araw ng Biyernes.
Sinabi ni White House spokesperson Jen Psaki na ang pagbisita ng dalawa ay sesentro sa pagpapatatag ng relasyon ng US at Afghanistan.
Posible ring talakayin ang pagbawi ng US ng kanilang mga sundalo sa Afghanistan ng hanggang Setyembre.