-- Advertisements --

Tutol si Afghan President Ashraf Ghani na pakawalan ang hawak nilang mga presong Taliban.

Pahayag ito ni Ghani kasunod na rin ng landmark deal na pinirmahan ng Estados Unidos at ng mga militante.

Sang-ayon kasi sa nasabing kasunduan, magkakaroon ng palitan ng mga preso kung saan nasa 5,000 na nakakulong na Taliban members at 1,000 naman mula Afghan security force ang pagpapalitin sa Marso 10.

Ngunit ayon kay Ghani, ang nasabing hakbang ay hindi maaaring maging “prerequisite” para sa gagawing pag-uusap, ngunit dapat na maging bahagi ng negosasyon.

“There is no commitment to releasing 5,000 prisoners,” wika ni Ghani.

“This is the right and the self-will of the people of Afghanistan. It could be included in the agenda of the intra-Afghan talks, but cannot be a prerequisite for talks,” dagdag nito.

Iginiit din ng pangulo na wala sa kamay ng Amerika kundi nasa otoridad ng Afghan government ang pagpapalaya sa mga preso.

Tinatayang nasa 10,000 na nadakip na Taliban ang hawak ngayon ng Afghanistan. (BBC)