-- Advertisements --
Bukas sa pakikipag-usap ang lider ng Afghan resistance group na lumalaban sa mga Taliban sa Panjshir Valley.
Ayon sa lider ng grupo na si Ahmad Massoud na ang dapat itigil na rin ng mga Taliban ang kanilang opensiba.
Nauna ng mabilis na sinasakop ng Taliban ang malaking bahagi ng Afghanistan kabilang ang Panjshir.
Si Massoud ang namumuno sa National Resistance Front ng Afghanistan (NRF) kabilang ang dating mga sundalo at local militias.
Handa silang itigil ang pakikipaglaban kapag tumigil din ang Taliban sa kanilang atake.