-- Advertisements --
Ipinarada pa rin ang watawat ng Afghanistan sa opening ceremony ng Tokyo Paralympic Games.
Ito ay kasunod ng hindi pagdalo ng manlalaro ng nasabing bansa matapos na bumagsak ang gobyerno nito at pagbabalik ng mga Taliban militants.
Dinala ng isang volunteer ang nasabing bandila ng Afghanistan at isinama sa parada.
Magugunitang kasama sana sa nasabing torneo sina Zakia Khudadadi para maglaro ng taekwondo at track athlete Hossain Rasouli.
Ang 23-anyos na si Khudadadi ay magiging unang babae sana na lalahok sa laro habang maituturing naman ng 24-anyos na si Rasouli na isang pangarap ang paglahok sa Tokyo Olympics.