Sinimula na ng Afghanistan ang kanilang harapan na pakikipag-usap sa Taliban para sa pakikpagpalitan ng mga preso.
Isinagawa ang pagpupulong sa Kabul nitong Miyerkules na mas maaga sa dalawang araw na pag-uusap.
Inobserbahan din ng Afghans ang mahigpit na paggalaw dahil sa coronavirus pandemics.
Base sa kasunduan ng US at Taliban, palalayain ng gobyerno ang 5,000 Taliban prisoners habang 1,000 naman ang papalayain ng mga militanteng grupo.
Ang nasabing pag-uusap ay nangyari kahit na patuloy ang nagaganap na kaguluhan.
Ang ‘prisoner swap’ ay napapaloob sa US-Taliban deal na pinirmahan noong Pebrero 29 na sana ay noong Marso pa ito ipinatupad subalit dahil nagkaroon ng ilang aberya ay ngayong Abril lamang ito natuloy.
Sa nasabing pagpupulong ay kasama dito ang International Committee of the Red Cross (ICRC) kung saan nakatuon dito ang pagpapalaya sa mga naarestong security forces at natonal defence ganun din ang Taliban prisoners.