-- Advertisements --
Nagpatupad ang Afghanistan government ng curfew sa malaking bahagi ng bansa para mapigilan ang paglusob ng mga Taliban.
Bukod sa capital city na Kabul ay ipinagbabawal ang anumang hindi mahalagang paggalaw sa ibang bahagi mula alas-onse ng gabi hanggang alas-kuwarto ng umaga.
Tumaas kasi ang insidente ng sagupaan ng Taliban at Afghan government mula ng umalis ang mga international troops.
Maraming lugar din sa Afghanistan ang nasakop na ng mga Taliban forces.